• Blog Academy Philippines

Gastos Month

Today is the last day of February, at March na naman bukas. Ang bilis talaga ng oras. Parang kelan lang ay sinabi kong nabayaran ko na yung isang gulong ng kotse ko, aba nga naman at 2 years na pala akong naghuhulog nun. Kalahati na nung kotse ang sa akin. Kaya kapag hindi ko naituloy yung installment, ipapahati ko sa gitna yung kotse kung hihilahin na yun ng bangko. Hehehe. Parang commercial ng Fita.

Ngayong March yata ang pinakamagastos kong buwan. Yup, ang daming bayarin. Registration ng kotse. Pati insurance nung kotse, ngayong month din na ito. Huh? Mukhang hindi pa talaga matutuloy ang pagbili ko ng laptop. Siguro, June pa talaga. Ang daming gastos, buti na lang at may nagagastos.

I converted my ituloy angsulong blog to Pinoy Big Brother Blog, or PBBB. Wala lang, trip ko lang. Mukhang yan ang mainit ngayon at kailangang samantalahin ang panahon para kumita. Kung yung malaking kita ko sa Valentine’s Day ay for 2 days lang, sana naman, pumatok din yung blog na yun at kumita ako ng malaki for 100+ days. Nang medyo makaluwag-luwag naman.

Summer na. At syempre, may company outing ulit kami. Saan kaya? Kahit saan, basta may dagat. Kaasar talaga, 27 years old na ako turning 28 sa mga darating na buwan, hindi pa rin ako marunong lumangoy. Makapagswimming lesson kaya?

Yun lang!

Technorati Tags: , , ,

Marhgil Macuha

Marhgil Macuha is a Computer Engineer by profession. He is a professional network marketer in the Philippines, with business partners all over the world.

Facebook Comments

Leave a Reply

  • www.lazada.com