Going Back To Basics

Wala nang ads. Wala nang ads ang blog na ito. Nope, hindi po ako naban sa Google Adsense. Trip ko lang na alisin ang mga ads sa blog na ito at subukang ibalik ang dating ako.

Ang dating ako na blogger lang. Na nagsusulat sa blog dahil trip ko lang. Gusto kong ibalik yung kukote in a jar days. Na sulat lang ako nang sulat, walang pakialam sa mga ads, walang pakialam sa mga keywords. Basta makapagshare lang ng opinion sa mga bagay-bagay.

From now on, this blog will become my personal blog. Blog as in diary. Kung saan isusulat kong muli ang mga bagay-bagay na naiisip ko. Kung anong nangyari sa akin. Kung saan ako nagpunta. Kung sino nakilala ko. Kung ano natutunan ko.

Yup. Magiging diary or talaarawan ko po ulit ito. Ilalagay ko na lang ito sa isang category, under Diary, para kapag natripan kong ibalik muli ang Adsense, I’ll just filter this category na walang ads. Kasi nga, unsupported language po ang tagalog eh.

Yun lang muna for today. Sa mga nakipag-exchange links pala sa akin mula noong una pang panahon, andyan pa rin po ang mga links nyo sa sidebar at footer.

Bagong template. Dating style nang pagsulat. Sana, magtuloy-tuloy ito. At hindi maging ningas kugon.

Yun lang!

Marhgil Macuha

Marhgil Macuha is a Computer Engineer by profession. He is a professional network marketer in the Philippines, with business partners all over the world.

Facebook Comments

Leave a Reply